RECIPE : Pork Sinigang (Easy Way)
507 views
Apr 17, 2024
This sinigang na baboy recipe uses the rich flavors of pork ribs and tamarind to create a lip-smacking experience. Try this classic take for your next meal. Full Recipe : https://chismis.today/pork-sinigang-recipe-simple-easy/
View Video Transcript
0:00
Hello guys! Wala ka bang maisip na ulam? Tara samahan niyo ako magluto ng pork sinigang
0:05
Guys, yung pork sinigang pala namin is gumagamit kami ng natural na sampalok, hindi kami gumagamit ng mga sinigang mix
0:11
Yan, sa mainit natin kaldero guys, maglagay natin ng mantika at ilagay na natin ang bawang
0:17
Isunod natin dito guys yung sibuyas ha, then depende sa inyo kung ano yung mauuna, sibuyas ba o bawang
0:22
Haluhaluin lang natin yan guys at sobrang konti lang ng sibuyas bawang namin dahil sobrang mahal na nang bilihin
0:28
Yan, ilagay na natin yung karne. Yan, ang goal natin dito is para mabilis lumambot yung karne natin
0:34
Yan, konting halu-halo lang yan guys, tapos titimplahan natin yan ng konting asin para hindi maging matabang yung karne natin
0:42
Yan, itansyan nyo lang yan guys ha, na magkakalasa yung karne natin para pag naluto sya ngayon masarap na yung karne natin
0:49
Yan, haluhaluin lang natin muli para magmix yung aroma ng sibuyas bawang at yung lasa ng asin
0:55
Yan, takpan muna natin guys yung ating karne para mabilis syang lumambot
0:59
Yan, after nyan guys ilagay ko na dito yung ating paminta. Pamintang durog yan guys ha, yan, pwede din buo depende sa trip nyo guys
1:07
Haluhaluin muli natin yan, after nating mahalo-halo, yan, maglalagay na tayo dyan ng tubig para sa sabaw
1:14
Guys, dito sa tubig kayo nang bahala kung konti o marami yung tubig nyo kasi ito yung magmimistulang sabaw ng ating sinigang
1:23
Tapos kung marami yung kakain guys damihan nyo na yung tubig nyo para marami syang sabaw
1:28
Yan, ganito pala yung dami ng tubig na nilagay ko guys. Yan, at ngayon guys antayin na lang natin na kumulu yung ating sabaw
1:37
Takpan muna natin ang ating kaldero. Tapos pag kumulu na yan ilalagay na natin yung mga sangkap na hindi pa natin nalalagay sa ating sinigang na baboy
1:45
Yan, ang ilalagay ko dito pala guys is yung gabi. Yan, sobrang sarap ng gabi guys sa sinigang natin dahil nagpapalapot yan sa sabaw ng ating sinigang na baboy
1:56
Isunod natin dyan guys ay ang kamatis. Yan, hindi mawawala ang kamatis sa sinigang guys
2:02
At ang next ay ang ating pork cubes. Yan. Haluhaluin lang natin yan guys para magmix na yung pork cubes sa ating sabaw o sa ating sinigang
2:13
Then isunod na natin yung sampalok. Yan. Ang sampalok guys nagpapaasim yan sa ating sinigang
2:19
Sobrang sarap ng sampalok guys kapag ito yung ginamit nyo sa inyong sinigang
2:24
Huwag na huwag sana kayong kumamit guys ng mga sinigang mix dahil may mga preservatives yan
2:30
So mas mainam gamitin nyo ay sampalok o santol. Yan yung sobrang sarap talaga na magpapaasim sa ating sinigang na baboy
2:38
Takpan muna natin guys at pag kumulu na. Dito guys ha na mag a adjust adjust lang ako ng asin o lasa
2:45
Kasi medyo matabang pa sya. So kayo na guys yung bahala na magdagdag ng asin
2:50
Kasi depende sa taste nyo kung masyadong maalat medyo matabang o normal lang yung lasa ng inyong sinigang na baboy. Yan
2:58
Nagdadagdag din ako dyan guys ng patis. Kasi binabalansi ko na yung alat sa asim dyan. Yan
3:04
Nagdadagdag ako ng asin konti. Tinitikman tikman ko. Nagdadagdag din ako ng patis. Yan
3:10
Mahala dyan guys ha kung paano nyo i adjust yung lasa. Tapos pag kumulu na dito na natin guys ilalagay yung mga iba pang sangkap ng ating sinigang na baboy
3:19
Gaya na lang itong radish. Yan. Hindi din yan mawawala sa sinigang. Yan
3:24
Sobrang sarap nyan guys. After nyan sunod na natin ang okra. Yan
3:29
Sobrang sarap din ng okra sa sinigang guys. Takpan muna natin at pag kumulu. Yan
3:34
Haluhaluin lang natin nyan guys at ito check natin kung luto na ba yung mga sangkap ng ating sinigang na baboy
3:39
Unang una dyan guys kailangan nyong i check kung malambot na yung karne
3:43
Tapos i check nyo rin kung malambot na yung gabi. Yan. Yan yung mga importante na i check nyo yung karne, gabi kung malambot na sya
3:51
Kasi yung ibang mga sangkap naman is mabilis lang syang lumambot. Isunod na natin din yung ating kangkong. Yan
3:59
Hindi mawawala ang kangkong sa mga sinigang. Yan. Huli huli na natin nilagay guys kasi ang kangkong ay sobrang bilis lumambot
4:07
Kaya sa dulo na natin sya nilagay para maiwasan natin ma overcook ang ating kangkong
4:12
Naglagay rin ako guys ng seasoning. Takpan muna natin at pag kumulu na ready to serve na yung ating sinigang
4:19
Tikman tikman natin sya sa final touch kung maalat ba matabang. Kung ano pang idadagdag
4:24
Haluhaluin lang natin guys at ito na ang ating sinigang na baboy sa sampalok
#Cooking & Recipes
#Herbs & Spices
#Meat & Seafood
#Soups & Stews